top of page

Our Recent Posts

Tags

Search

Tondol Beach, Anda, Pangasinan

  • Writer: Maepril Joyce Morales
    Maepril Joyce Morales
  • May 27, 2018
  • 3 min read

Dora and Boots (Me and boyfie) decided to explore the “Boracay of the north” this summer 2018. Gusto kasi namin masaksihan ang Ganda ng Anda!


So eto na nga malayo-layong byahe ‘to kaya iready nyo na ang pwet nyo!


HOW TO GET THERE?


From Cubao:


Option 1


Mayroong bus (Five Star) na paderechong Anda. Ang problema madalang lang daw yung bus na papunta doon kaya maghihintay ka. Yung tipong di mo alam kung may hinihintay ka pa ba talaga o wala na.


Option 2


Mag Alaminos ka nalang! Marami namang bus na papunta doon (Solid North, Five Star, Dagupan and Victory Liner). Magkakaiba sila ng fare pero not more than Php 400.00. It will take you for almost 6 hours bago makarating kasi may mga dinadaanan pa.


Pagdating sa Alaminos, sakay ka ng tricycle papunta sa CSI Mall. Sabihan mo yung driver na ibaba kayo sa sakayan ng bus papuntang Anda. Php 15.00 yung pamasahe.


Puro non-aircon mga bus na papuntang Anda, ienjoy nyo yung fresh air! Di yung puro pollution sinisinghot nyo. 1 hour mahigit yung byahe tapos Php 40.00 yung pamasahe.


TAKE NOTE!


Wag nyo susundin yung mga nagsabi na “bumaba sa palengke tapos sumakay sa tricycle, Php 120-130 pamasahe.”


Well, pwede naman na bababa ng bus sa bayan (yung palengke sa may Anda) tapos sakay kayo ng tricycle papuntang Tondol Beach kaya lang sayang kasi paderecho na sa may Tondol yung bus :)




And Chaaaadaaa! Hello Tondol! Nice to meet you! Pero wait. Siguro naman bago kayo pumunta dito eh nakapagbook kayo? Baka mamaya sa kalsada kayo matulog nyan ah? Here's the list:




Pero ang marerecommend ko sainyo e yung tinuluyan namin syempre “HIPSA II”


(nagtataka din ako kung bakit II na agad, nasaan ang I? Ilabas nyo si I! Charr)


Very Accommodating mga tao dito.


Kung wala kayong dala na plato, kutsara, baso, etc. pwede kayo manghiram.


Pwede din kayo makiluto for free.


Look for Mr. Mario Garibay

0950-882-0100





Meron din silang swimming pool na may kumukutikutitap bumubusibusilak na mga ilaw pag gabi nakakatuwa HAHAHA




kung gusto mo namang umulan, meron silang videoke.






At higit sa lahat, napakaganda nung place (Pang IG!!!!)



Pwede ka na rin lumangoy langoy sa dagat malapit dun, magphotoshoot,


mag kape, mag senti o kahit anong gusto mong gawin

pero di pa yun yung Tondol Beach sinuggest ko lang naman na pwede eto palang yung papunta sa Beach hehe

10-15 minutes na lakaran papunta sa Tondol Beach. Di mo mararamdaman yung pagod kasi ang ganda ng tanawin haaay

Cest la vie!


AAAAAAAAAAAAAAAAAAT ANDITO NA TAYOOO! Php 5.00 yung Entrance wantusawa na!





Yung feeling na kahit napakalayo mo na hanggang bewang pa rin yung tubig yay! Maligamgam din yung tubig, hindi ka giginawin. Kaya kahit cold sya sayo makakalimutan mo yun paglumusong ka dito.







Pwede rin na mag float ka nalang ng mag float hanggang sa paglubog ng araw HAHAHA








Tondol to Cubao:


May oras yung mga bus na dumadaan sa Tondol (6:00 am, 8:00 am, 11:00 am, 1:00 pm, 3:00 pm) kung di nyo maabutan at ayaw nyo na naghihintay, pwede kayo mag tricycle papuntang bayan (Php 120-130 yung pamasahe).


Option 1


Pagdating sa bayan ng Anda, may terminal ng Five Star don (non aircon) malapit lang sya sa may palengke. 12:00 pm yung alam ko na dating ng bus tanong nalang kayo kung ano-ano pa yung schedule pagdating nyo dun. Paderecho na yun sa Cubao tapos Php 345.00 yung pamasahe. Mas mura na, less hassle pa!


Option 2


Kung matagal naman bago dumating yung bus na papuntang Cubao, saka kayo mag go sa option na to.


Pagdating sa bayan ng Anda, Sakay kayo ng bus na papuntang Alaminos. Pagdating sa Alaminos, pili nalang kayo ng bus na papuntang Cubao (Victory Liner, Five Star, Solid North and Dagupan)



 
 
 

Comments


©2018 by Maepril Joyce Morales.

bottom of page